Saturdate: Lugang Cafe MOA

Every time we pass by Lugang Cafe,dun lang namin naaalala na matagal na naming plano kumain dito.  Hindi ko alam kay E, pero sa totoo lang, hindi ako curious sa kung masarap ba ang pagkain, gusto ko lang masubukan kumain kasi maganda yung lighting fixtures.

Lugang Cafe Lighting Fixtures
Bumbilya sa loob ng gold cage, ang sosyal.

Chinese food ang sineserve ng Lugang Cafe at mabilis naman ang service nila, pag pasok namin, may nag-usher agad and kumuha ng order.

After kuhain nung waiter yung order namin, nagulat ako nung iniwan nya ito:


Akala ko nung una, naiwan nya yung order slip, yun pala intentional yun. Everytime may mapapadaan na waiter sa lamesa namin, tinitignan nila tong slip at chinecheck kung nabigay na ba lahat ng pagkain sa listahan.

Recently, mahilig sumubok si E ng mga kakaibang pagkain, kaya ako naman, ino-order ko yung mga "safe" tulad nitong Salt and Pepper Squid just in case sablay ang adventurous order nya.

Salt and pepper squid na not-so salty.


Kung kakainin sya with rice, parang matabang. Pero dahil madaming inorder si E, pinapak ko na lang kaya it seems just right. Pero sa totoo lang, parang mas masarap yung salt and pepper squid ng North Park.

Ito naman ang order ni E:


Hindi ko na maalala ang pangalan nito pero tawagin na lang nating syang DIY Siopao. Yung nasa taas, siopao bun lang yun, walang laman sa loob, ikaw ang magpapalaman ng pork :D


Lugang Cafe Wanton Soup

Over-all, 'ok' lang ang Lugang Cafe. Either that, o kaya naman, hindi lang namin alam kung anong masarap orderin.

Bookmark the permalink. RSS feed for this post.

Leave a Reply

Swedish Greys - a WordPress theme from Nordic Themepark. Converted by LiteThemes.com.